Code of Conduct Video Filipino/Tagalog
From Operation Translation
| Under Translation! This text is currently being translated. By the order of galactic ruler Xenu, You can either: 1) Not delete it, or 2) Translate it yourself. |
Deathbymotherboard: Those text with <<>> brackets needs tagalog counterparts. I'm ashamed to say I've forgotten most of them even though I am a fully-fledged filipino living in the ph. haha
Faceless: Edited stuff (the way things were said, hardly added anything new) for readability and greater justice. Made a few notes, which I've enclosed in xx xx.
Batas #0: Gumagana pa rin ang Una at Ikalawang Batas ng Internet. Sa ngayon, hindi maiiintindihan ng madla ang inyong mga meme. Maari pa rin makipag-usap gamit ang mga meme sa iyong kapwa Anonymous pero mas pahalagahan ang ibang mga nanonood at nakikinig kaya't huwag ito masyadong gamitin.
Batas #1: Huwag mainit ang ulo.
Batas #2: Huwag mainit ang ulo, lalo na kapag ginagago. Ambassador ka ng Anonymous. Mainis ka man sa mga ibang taong sinusubukang guluhin ang protesta, kailangan di ka pumutok. Kung pumutok ka at magalit, masisira lang ang protesta at ang pangalan na Anonymous.
Batas #3: Sumunod sa utos ng mga tagapangalaga ng batas lagi. Ang di pagsunod ay makakasira ito sa protesta at baka pati ang iyong pagkatao. Huwag hingin ang mga numero ng tsapa kung hindi ka naman inaabuso ng pulis, dahil magagalit lang sila sa inyo.
Batas #4: Sabihan ang mga opisyal ng inyong lugar. Halos lahat ng distrito ay merong mga kaukulang regulasyon o kaya naman ay gustong malaman kung may gagawin kayong protesta. Alamin ang batas sa inyong lugar at laging sundin ang mga ito.
Batas #5: Laging mag protesta sa kabilang dako ng kalye sa tapat ng balak ninyong protestahan. xxKabilang kalye means other street, so I tried to come up with something a little more accurate in terms of directions. It's hard to say "across the street" because we're usually very vague when it comes to things like that; we say "ah, diyan lang sa tapat." (But then "sa tapat" is literally "in front of," so no go.)xx
Batas #6: Kung wala namang kalye, mag hanap ng ibang harang na maghihiwalay sa inyo at sa inyong pinoprotestahan, upang mahirapan ang mga taong salungat sa pinoprotesta ninyo na lapitan kayo at magsimula ng gulo.
Batas #7: Huwag pumasok sa pribadong lugar upang hindi makasuhan ng "Trespassing."
Batas #8: Huwag gumamit ng dahas.
xx For a lot of the laws that follow I deviated from the "No ..." format in the original version since it doesn't make a lot of sense in direct translation: "Walang ..." is usual read as "There is no ..." (more a statement about existence or presence than a statement forbidding something) so I went with "Huwag" -- "Don't" xx
Batas #9: Huwag magdala ng armas -- ang demonstrasyon ay isang mapayapang gawain. Hindi niyo kakailanganin ng anumang sandata.
Batas #10: Huwag uminom bago mag-protesta o habang nagpoprotesta. Malamang masisira ang unang dalawang batas kung ika'y nakainom.
Batas #11: Huwag manira ng kahit anumang bagay o gumamit ng bandalismo. xx Kind of torn on this -- gumamit ng bandalismo sounds very awkward -- so might replace with something like "magsulat sa pader/poste/etc" since yeah, graffiti = vandalism mostly xx
Batas #12: Kung gusto mong gumawa ng katangahan, huwag sa araw na ito. xx More direct: Huwag kang gumawa ng katangahan sa araw na ito -- or is that too far from the original? xx Dapat alam mo na yun. Masisira lang ang pangalan na Anonymous kung ginawa mo ito, at baka dakipin ka pa ng pulis.
Batas #13: Hukbo si Anonymous, huwag na huwag mag-isa. xx Yes it's a verb :) xx Kung mag-isa ka lang sa gitna ng protesta lalong madali kang tutugisin ng mga maninira, mang-gagago, at iba pang mga kalaban, kaya...
Batas #14: Gumawa ng grupo na mula 10 hanggang 15 katao.
Batas #15: Isa o dalawang megaphone kada grupo. Malaking tulong ang mga megaphone sa pag-aayos ng demonstrasyon at pagkalat ng inyong mensahe. Ngunit huwag sobrahan sapagkat malilito lang ang mga tao at baka mabingi pa kayo.
Batas #16: Alamin ang tamang kasuotan. Mas maganda ang mga maluluwag ngunit resonableng kadamitan sa mga nag-proportesta upang mapanatiling malakas ang pagsama-sama at seryosohin kayo ng publiko. xx Literally, "maintain the strength of [being together]" -- may replace with less formal mapanatili/mapakita ang pagsama-sama xx
Batas #17: Takpan ang iyong mukha. Para hindi makita ang inyong mukha sa mga video na kinukuha ng mga kalaban, ibang nag-poprotesta o ng mga awtoridad. Gumamit ng kurbata, sumbrero at salamin. Ang mga maskara ay hindi gaano ka-halaga; isa pa, ang pagsuot nito sa kilos-protesta ay hindi pinapayagan sa ibang mga lungsod.
Batas #18: Magdala ng tubig. Walang silbi ang uhaw na Anonymous.
Batas #19: Mag suot ng matinong sapatos. Makakasiguro ang mga patakarang ito sa inyong ginhawa sa pag-laon ng demonstrasyon. Tandaan na ang mga demonstrasyon ay madalas na matagal.
Batas #20: Ihanda ang inyong mga fliers, mga karatula, at mga mensahe. Siguraduhin na ang mga senyales sa karatula ay malaki upang mabasa ng mabuti. Siguraduhin din na ang mga nakasulat sa inyong mga senyales at ang inyong mga pananalita ay may kabuluhan sa mga taga-pakinig ng protesta.
Batas #21: Maghanda ng fliers na madaling basahin, wasto, at hindi komplikado upang ipamigay doon sa mga gustong makaalam ng mga motibasyon sa likod ng inyong ginagawa.
Batas #22: Idokumenta ang demonstrasyon. Maaaring gamitin ang mga video at photo ng mga pangyayari upang ipakita ang inyong bahagi ng kwento kung sakali man madamay ang mga pulis. Isa pa, ang pag-paskil ng mga video at photo ng inyong magigiting na gawain sa kaubuuan ng Internet ay isang malaking panalo at makakahatak sa ibang Anonymous na sumunod sa inyong gawaiin.
Kung susundin ang mga simpleng patakaran na ito, sigurado na ang tagumpay ng inyong mga gawain sa kilos-protesta. Subalit laging tandaan na ang pagtagumpay ng demonstrasyon bilang isang buo ay nakasalalay sa magandang ugali ng lahat ng pumunta. Balewalain ang mga batas na ito sa inyong sariling panganib. Sundan ito at panalo na kayo.
Kami ay Anonymous.
Hindi kami nagpapatawad.
Hindi kami nakakalimot.
Abangan kami.

