Operation Reconnect Video Filipino/Tagalog

From Operation Translation

Jump to: navigation, search
Under Translation!
This text is currently being translated.
By the order of galactic ruler Xenu, You can either: 1) Not delete it, or 2) Translate it yourself.


OFFICIALLY DONE! - Verified by Anon93752

"Ito ay isang opisyal na mensahe sa mga masa at lahat ng mga taong kumikilala at kumakampi kay Anonimus.

Sa pagpapatuloy ng paglalaban ni Anonimus sa "simbahan" ng Scientology, si Anonimus ay magsisimula ng bagong proyekto na ang pangalan ay "Operation Reconnect".

Itong proyektong ito ay gaganapin ngayong Abril at magbibigay linaw sa pagsira ng mga pamilya ng "simbahan" ng Scientology; isang gawain na pinahihintulutan ng mga kasulatan at mga miyembro nito. Ang layunin ng proyektong ito ay ang pagbuo muli ng mga pamilyang winasak ng "simbahan" ng Scientology dahil sa mga gawain at patakaran nito.

Ang pangalan ng operasyon ay galing sa patakaran ng "simbahan" ng Scientology na tinatawag na "Disconnection Policy." Ukol sa pakatarang ito, pinagbabawalan ang mga miyembro ng "simbahan" na makipag-ugnayan sa mga tao na kinikilalang banta sa seguridad ng kanilang "simbahan".

Ang patakarang ito ay kadalasang ginagamit ng "simbahan" ng Scientology upang sumira ng pamilya at paghiwalayin ang mga taong miyembro ng Scientology sa mga hindi nila ka-miyembro. Kasabay ng pagsira ng pamilya, ang isang miyebro ay tinatangalan ng suporta na galing sa labas ng Scientology. Samakatuwid, mahihirapan siyang talikuran ang "simbahan" ng Scientology.

Mula magumpisa ang kampanya ni Anonimus laban sa "simbahan" ng Scientology, may mga taong lumabas at nagsalita upang ikalat ang kanilang mga naranasan habang sila ay miyembro ng "simbahan" ng Scientology. Marami sa kanila ay inilalarawan ang masamang impluwensiya sa kanilang mga pamilya na dulot ng "simbahan" ng Scientology. Sa araw na hindi pa nakatakdang ipahayag, ikukwento nila sa publiko ang kanilang mga karanasan bilang mga speaker sa mga mapayapang demonstrasyon na gaganapin sa iba't ibang lokasyon sa mundo. Iniimbita namin ang lahat upang makinig sa kanilang mga istorya at malaman kung ano ang dulot ng kanilang katahimikan na nagtagal ng maraming taon.

Kami ay Anonimus. Kami ay hukbo. Hindi kami nagpapatawad. Hindi kami nakalimot. Abangan kami."

Personal tools